Sabado, Enero 23, 2016

Talumpati: Mapagkumbabang Kuwaderno



MAPAGKUMBABANG KUWADERNO

                Sa lahat ng mga Pilipino, sa isip, sa puso, sa salita at sa gawa. maging sa lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na may pusong  mapagkumbaba, Isang maganda at mapagpalang umaga po sa inyong lahat. Jullianne Gaile Salao ang ngalan ng nasa inyong harap, narito upang pag-ugnayin ang kwaderno at ang mapagkumbabang kaugaliang Pilipino.
                Kuwaderno, simple at payak na salita. Notebook sa Ingles, hindi makikilala kung walang salitang kapares. Hindi tulad ng aklat, ito’y bihirang mabuklat, pagkat ito’y pinagsama-samang blangkong papel lamang at wala ring pamagat.
                Hamak na kwaderno, kung may buhay man ay ganito. Maraming bagay na nais sa’tin ipabatid, kaya’t subukan nating pakinggan ang kanilang tinig.
                Salamat at muli nanaman tayong nagkita. Tuwing ako’y iyong bubuksan, di mo lang alam kung gaano ako kasaya. Tuwing ako’y iyong mahahawakan, ramdam ko na ako’y iyong kailangan.
                Alam ko na ako’y isang hamak na kwaderno lamang. Ngunit ganoon pa man, karangalan ko na kayo’y paglingkuran. Dahil kahit ako’y ganito lang, di mo lang alam na natututo rin ako sa aking nilalaman. Pagkat sa bawat mga importanteng bagay na sisipiin mo, karunungan mong taglay ang binabahagi mo. Tanging hiling ko na natututo ka rin tuwing ako’y bubuksan mo.
                Sa ibang tao naman, di man ako sipian, ako nama’y kanilang dino-drawingan. Hindi nila alam na ako’y aliw na aliw sa magaganda at makukulay na bagay na likha nilang larawan na kanilang pinagmamalaki tuwing makikita nino man.
               Sa iba naman, ako naman’y ginagawa nilang talaan ng mumunting sikreto. Malungkot, Masaya, o nakakakilig man. Hindi ako makapaniwala na sa isang hamak na kwaderno lamang, ay naging bahagi ako ng kanilang buhay dahil ako’y kanilang kinekwentuhan.
                Sa mga kabataan, o kahit sinuman, sana kapag naubos na an gaming pahina, ako pa rin sana ay inyong ingatan. Huwag sana akong itapon o ipambalot lamang. Huwag din sana akong ipanggatong sa inyong paglulutuan. Dalangin ko n asana ako’y matulungan at maibahagi sa iba ang aking nalalaman.
                Gayun pa man, sana ako ay ma-recycle muli, hiling ko na ako’y maging kwaderno muli. Upang maging bahagi ng buhay ng mga tao sa kanilang pagsisipi. Sana ay Makita kong mamutawi ang ngiti sa kanilang labi tuwing ako’y kanilang bibilhin, pagkat ako ay ganun din. Excited na ako sa bagong sa aki’y aangkin, at di ako makapaghintay kung anong gagawin sa akin.
                Kaya napag-isip-isip ko, hamak man akong tignan, marami naman akong natulungan. Pero sa mga taong di ako pinahahalagan, maisip nila na ako’y kanilang kinailangan, na buksan muli at Makita at mabisita ang aking nilalaman, baka bigla nilang maalala na ako’y kanilang inasahan na maaaring makatulong kung sila’y nasa’n man.
                Kaya tayong mga medtech students, please lang sila ay ating ingatan, dahil tiyak ko na ang ating kuwaderno ay kailangan, dahil ito pa rin ang ating magiging reference, sana naman. Kaya hanggang sa muli ba sila ay hawakan at ating buksan, wag silang ituring na hamak lamang pagkat sila ay naging mahalagang parte ng ating mga natutunan.

                Muli, magandang umaga, at nawa’y mapasainyo ang pusong mapagkumbaba ng makabagong Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento