Sabado, Enero 23, 2016

Talumpati: Mapagkumbabang Kuwaderno



MAPAGKUMBABANG KUWADERNO

                Sa lahat ng mga Pilipino, sa isip, sa puso, sa salita at sa gawa. maging sa lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na may pusong  mapagkumbaba, Isang maganda at mapagpalang umaga po sa inyong lahat. Jullianne Gaile Salao ang ngalan ng nasa inyong harap, narito upang pag-ugnayin ang kwaderno at ang mapagkumbabang kaugaliang Pilipino.
                Kuwaderno, simple at payak na salita. Notebook sa Ingles, hindi makikilala kung walang salitang kapares. Hindi tulad ng aklat, ito’y bihirang mabuklat, pagkat ito’y pinagsama-samang blangkong papel lamang at wala ring pamagat.
                Hamak na kwaderno, kung may buhay man ay ganito. Maraming bagay na nais sa’tin ipabatid, kaya’t subukan nating pakinggan ang kanilang tinig.
                Salamat at muli nanaman tayong nagkita. Tuwing ako’y iyong bubuksan, di mo lang alam kung gaano ako kasaya. Tuwing ako’y iyong mahahawakan, ramdam ko na ako’y iyong kailangan.
                Alam ko na ako’y isang hamak na kwaderno lamang. Ngunit ganoon pa man, karangalan ko na kayo’y paglingkuran. Dahil kahit ako’y ganito lang, di mo lang alam na natututo rin ako sa aking nilalaman. Pagkat sa bawat mga importanteng bagay na sisipiin mo, karunungan mong taglay ang binabahagi mo. Tanging hiling ko na natututo ka rin tuwing ako’y bubuksan mo.
                Sa ibang tao naman, di man ako sipian, ako nama’y kanilang dino-drawingan. Hindi nila alam na ako’y aliw na aliw sa magaganda at makukulay na bagay na likha nilang larawan na kanilang pinagmamalaki tuwing makikita nino man.
               Sa iba naman, ako naman’y ginagawa nilang talaan ng mumunting sikreto. Malungkot, Masaya, o nakakakilig man. Hindi ako makapaniwala na sa isang hamak na kwaderno lamang, ay naging bahagi ako ng kanilang buhay dahil ako’y kanilang kinekwentuhan.
                Sa mga kabataan, o kahit sinuman, sana kapag naubos na an gaming pahina, ako pa rin sana ay inyong ingatan. Huwag sana akong itapon o ipambalot lamang. Huwag din sana akong ipanggatong sa inyong paglulutuan. Dalangin ko n asana ako’y matulungan at maibahagi sa iba ang aking nalalaman.
                Gayun pa man, sana ako ay ma-recycle muli, hiling ko na ako’y maging kwaderno muli. Upang maging bahagi ng buhay ng mga tao sa kanilang pagsisipi. Sana ay Makita kong mamutawi ang ngiti sa kanilang labi tuwing ako’y kanilang bibilhin, pagkat ako ay ganun din. Excited na ako sa bagong sa aki’y aangkin, at di ako makapaghintay kung anong gagawin sa akin.
                Kaya napag-isip-isip ko, hamak man akong tignan, marami naman akong natulungan. Pero sa mga taong di ako pinahahalagan, maisip nila na ako’y kanilang kinailangan, na buksan muli at Makita at mabisita ang aking nilalaman, baka bigla nilang maalala na ako’y kanilang inasahan na maaaring makatulong kung sila’y nasa’n man.
                Kaya tayong mga medtech students, please lang sila ay ating ingatan, dahil tiyak ko na ang ating kuwaderno ay kailangan, dahil ito pa rin ang ating magiging reference, sana naman. Kaya hanggang sa muli ba sila ay hawakan at ating buksan, wag silang ituring na hamak lamang pagkat sila ay naging mahalagang parte ng ating mga natutunan.

                Muli, magandang umaga, at nawa’y mapasainyo ang pusong mapagkumbaba ng makabagong Pilipinas.

Balagtasan: Forever: Meron o Wala


Noong nakaraang Agosto 2015, Ako ay naging kalahok ng Balagtasan sa aking mahal na paaralan, ang Unibersidad ng Manila Central. Ang naging tema ng balagtasan, ay makabago at ito ang tumatalakay sa napapanahong Isyu na may kinalaman sa "Pag-ibig" At inihahandog ko sa inyo ang aking pyesa "Kampo Merong Forever"

Forever: Meron o Wala?



PAGPAPAKILA:
‘Sang maganda’t mapagpalang hapon po sa lahat!
Ako po si Jullianne Salao, nasa inyong harap
Makikipagtagisan kahit ito’y mahirap
Kaya’t kayo’y makinig, aking pakiusap
Forever dapat patunayan dito ng ganap
Ako’y mag-uumpisa na, ‘wag kayong kukurap.

PANIMULA:
Katanungan nila, forever ay mayro’n nga ba?
Anong forever, walang magpakailanman diba?
Pilit na tinatanggi, mga bitter lang pala
Hindi nila alam forever nasa kanila
Kung isasapuso  ay mararanasan mo na
Kaya’t  sumang-ayon ang forever totoo na.

UNANG PAGDEPENSA:
Ha! Walang forever nakikiuso lang ba yan?
Forever maraming makakapagpatunay n’yan
Mga taong nagmamahalan iningatan ‘yan
Ang lolo at lola ko pag-ibig nila’y ganyan
Katulad ng ‘sang batang nasa sinapupunan
Pag-ibig ng magulang simula’t walang hanggan

 PANGALAWANG DEPENSA:
Haba ba ng pagsasama ang dapat na batayan?
Oops teka lang tila nagkakamali kayo r’yan
Basta kapiling mo lagi forever na iyan!
Walang hanggang kaligayahan mararanasan
Ang ayaw umamin mga ampalaya lang yan
Haha! wala raw forever, kinikilig naman

PANGATLONG PAGDEPENSA:
Kung ang tao’y pilit na nagkakaunawaan
Tiyak forever ay kanilang nararanasan
Mga relasyon ay magiging pangmatagalan
Tiyak ito’y di mauuwi sa hiwalayan
Kung ang kanilang problema ay matutugunan
Dahil ang forever dapat laging may bigayan

HULING PANANALITA:
Ayaw pa bang maniwala? kayo’y tumingala
Sa kalangitan,forever di yan mawawala
Sa Diyos tayo ay kailangan magtiwala
Ang pagmamahal Niya sa atin forever nga.
Pagliligtas sa atin ni Hesus ay sapat na
Kaya’t maniwala forever ay totoo na.

Teorya ng Wika: Pagsasadula




Tagapagsalaysay: Magandang umaga sa inyong lahat, kami ang Unang grupo at narito kami upang magpakita ng dula na tungkol sa GAMIT NG WIKA at sa mga TEORYANG DING-DONG, BOW-WOW at POOH-POOH.

1st Scene
Tagapagsalaysay: Isang umaga sa may lungsod ng Kalookan, maraming mga bangketa ang
naglipana. Mga tindahan na nagbebenta ng mga anik-anik, iba’t-ibang abubot, mga pagkain, at iba pa. Ngunit sa lahat ng ito, ay may isang natatangi sa lahat, si  Manang Angel.


Angel: Manang, manong, mga ate, mga kuya, halina’t tangkilikin ang aking produkto, ito’y natatangi sa lahat ng narito. Ang produktong lubos na makakatulong sa iyo, ang makakapagpaganda ng panlabas mong pagkatao. Sa isang iglap lang, kutis mo’y puputi at gaganda, mukha mo’y kikinis, tatangkad ka pa. Kaya’t halina’t magsipaglapit na kayo (lalapit ung mga tao), inyong pagmasdan ang produktong ito, ang gamot na isang inom lang ay lubhang epektibo.

Canareen: Nakakasigurado ka bang epektibo talaga yan?

Angel: Ako’y nakakasiguro pagka’t ito’y dekalidad at subok na. Kaya’t bumili na, wala pang isang oras may resulta na.

Floribelle: Sigurado ka talaga dyan ah?

Angel: Siguradong sigurado ako dyan! Subok na talaga yan! Hinding-hindi mo pagsisisihan!

Anne: Osge, bigyan mo kami ng dalawang kahon ng aking masubukan.

Rhona/Sharmaine: Kami din, pabili. Mukhang magandang klaseng gamot nga yan!

---------------------------------------------------- EXIT ----------------------------------------------------
2nd Scene:
Tapagsalaysay: At nakapaghikayat na nga si Manang Angel ng mga mamimili sa kanyang  ineendorsang produkto na sinasabi niyang mabisa talaga. Ngunit, makalipas ang ilang araw (susugod)

Canareen: Hoy! Ikaw! Manloloko ka! Ang sinabi mo sa’min mabisa ang gamot na ‘to. Ngunit tignan mo, walang epekto. Nilinlang mo lang kami.

Floribelle: Oo nga, ang sabi mo ay dekalidad ang produktong ito. Ngunit hindi naman ito mabisa.

Rhona: Ibalik mo ang pera namin. Ibalik mo!

Sharmaine: Mapanlinlang ka! Sinungaling!

Angel: Ayoko nga! Nabili nyo na yan. Hindi totoo ang mga binibintang nyo sa’kin.

3rd Scene:
Tagapagsalaysay: At nagkagulo na nga ang dalawang panig. At ang mga susunod na pangyayari ay  hindi inaasahan …

Canareen: Ah, yaan ang gusto mo ah, di ka madaan sa maayos na pakiusapan …
[Biglang papasok si Jay ng may hawak nabaril, tapos babarilin si floribelle] *bang-bang-bang sounds*, pagkabaril magkakagulo ung mga tao *aaaaah-aaaah* (sigaw), may mga tumatahol na aso *aaarf-aaarf* *woof-woof*.

Tagapagsalaysay: At ayun na nga ang nangyari, sa hindi inaasahan, imbes na si Manang Angel ang mabaril, ay isa sa mga taong bayan ang natamaan ng bala. Kaya’t agad-agad s’yang isinugod sa ospital (tunog ng ambulansya *wiii-hoo*)

Jed: Ikinalulungkot kong ibalita sa inyo, pero hindi na niya kinaya kaya’t binawian na sya ng buhay. (iyak)

Tagapagsalaysay: At diyan po nagtatapos ang aming pagdudula.

        ---------------------------------------------   PALIWANAG   -----------------------------------------------

TALUMPATI: Kahulugan




REFLECTION PAPER: Pagsulat ng Talumpati

                                                                  TALUMPATI

                                         Ang pagsulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag katulad ng mga titik at bantas. Napakalaking kahalagahan ang naidudulot ng pagsulat sapagkat sa pamamagitan nga nito ay nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pag-unlad, pagbabago at pagsulong ng bago at modernong mundo.
                              Ang aking napiling artikulo ay ang “Pagsulat ng Talumpati” ni Estrella E. Gonzales. Sinasabing ang talumpati ay isang uri ng panitikan na ginagamit upang basahin o bigkasin sa harap ng madla. Ang tanging layunin nito ay ang makahikayat ng mga tagapakinig sa malinaw at maayos na paglalahad ng mga katwiran. Ito ay may apat na bahagi, ang Panimula na sinasabing hudyat ng talumpati na hihikayat sa kawilihan ng tagapakinig, kung saan inilalahad ang layunin, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla. Maaaring simulan ito ng pagtatanong, pagbibigay ng mahalagang detalye, pagsasalaysay at iba pa. Ikalawa, ang Katawan, kung saan ito ay tinuturing na pinakakaluluwa ng talumpati, nararapat na ito ay sunod-sunod upang makakuha ng puntos. Ikatlo ay Paninindigan, ito ang bahagi ng talumpati kung saan pinapatotohanan ng mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng katawan. At panghuli, ay Konklusyon, kung saan ang buong talumpati ay binubuod. Nasabi ring may dalawang uri ng talumpati, ang Daglian o Biglaan na hindi nabigyan ng sapat na panahon upang paghandaan at ang Handa, na kung saan ito ay karaniwang nagaganap sa pormal na okasyon at may sapat na haba ng panahon upang paghandaan.
                                    Sa kabuuan, sinasabing ang pagsulat ng talumpati ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari mong maipahayag ang iyong mga naisin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ideya ukol sa isang bagay. Sa pamamagitan nito, maipapakita ang masining na paglalahad ng mga ideya sa madla sa pamamagitan ng pananalumpati, pagbibigay ng mga saloobin at magpapakita ng iyong pansariling konklusyon.