MAPAGKUMBABANG
KUWADERNO
Sa
lahat ng mga Pilipino, sa isip, sa puso, sa salita at sa gawa. maging sa lahat
ng mga mamamayan ng Pilipinas na may pusong
mapagkumbaba, Isang maganda at mapagpalang umaga po sa inyong lahat.
Jullianne Gaile Salao ang ngalan ng nasa inyong harap, narito upang pag-ugnayin
ang kwaderno at ang mapagkumbabang kaugaliang Pilipino.
Kuwaderno,
simple at payak na salita. Notebook sa Ingles, hindi makikilala kung walang
salitang kapares. Hindi tulad ng aklat, ito’y bihirang mabuklat, pagkat ito’y
pinagsama-samang blangkong papel lamang at wala ring pamagat.
Hamak
na kwaderno, kung may buhay man ay ganito. Maraming bagay na nais sa’tin
ipabatid, kaya’t subukan nating pakinggan ang kanilang tinig.
Salamat
at muli nanaman tayong nagkita. Tuwing ako’y iyong bubuksan, di mo lang alam
kung gaano ako kasaya. Tuwing ako’y iyong mahahawakan, ramdam ko na ako’y iyong
kailangan.
Alam
ko na ako’y isang hamak na kwaderno lamang. Ngunit ganoon pa man, karangalan ko
na kayo’y paglingkuran. Dahil kahit ako’y ganito lang, di mo lang alam na
natututo rin ako sa aking nilalaman. Pagkat sa bawat mga importanteng bagay na
sisipiin mo, karunungan mong taglay ang binabahagi mo. Tanging hiling ko na
natututo ka rin tuwing ako’y bubuksan mo.
Sa
ibang tao naman, di man ako sipian, ako nama’y kanilang dino-drawingan. Hindi
nila alam na ako’y aliw na aliw sa magaganda at makukulay na bagay na likha
nilang larawan na kanilang pinagmamalaki tuwing makikita nino man.
Sa
iba naman, ako naman’y ginagawa nilang talaan ng mumunting sikreto. Malungkot,
Masaya, o nakakakilig man. Hindi ako makapaniwala na sa isang hamak na kwaderno
lamang, ay naging bahagi ako ng kanilang buhay dahil ako’y kanilang
kinekwentuhan.
Sa
mga kabataan, o kahit sinuman, sana kapag naubos na an gaming pahina, ako pa
rin sana ay inyong ingatan. Huwag sana akong itapon o ipambalot lamang. Huwag
din sana akong ipanggatong sa inyong paglulutuan. Dalangin ko n asana ako’y
matulungan at maibahagi sa iba ang aking nalalaman.
Gayun
pa man, sana ako ay ma-recycle muli, hiling ko na ako’y maging kwaderno muli.
Upang maging bahagi ng buhay ng mga tao sa kanilang pagsisipi. Sana ay Makita
kong mamutawi ang ngiti sa kanilang labi tuwing ako’y kanilang bibilhin, pagkat
ako ay ganun din. Excited na ako sa bagong sa aki’y aangkin, at di ako
makapaghintay kung anong gagawin sa akin.
Kaya
napag-isip-isip ko, hamak man akong tignan, marami naman akong natulungan. Pero
sa mga taong di ako pinahahalagan, maisip nila na ako’y kanilang kinailangan,
na buksan muli at Makita at mabisita ang aking nilalaman, baka bigla nilang
maalala na ako’y kanilang inasahan na maaaring makatulong kung sila’y nasa’n
man.
Kaya
tayong mga medtech students, please lang sila ay ating ingatan, dahil tiyak ko
na ang ating kuwaderno ay kailangan, dahil ito pa rin ang ating magiging
reference, sana naman. Kaya hanggang sa muli ba sila ay hawakan at ating
buksan, wag silang ituring na hamak lamang pagkat sila ay naging mahalagang
parte ng ating mga natutunan.
Muli,
magandang umaga, at nawa’y mapasainyo ang pusong mapagkumbaba ng makabagong
Pilipinas.